Dati, patambay-tambay lang tayo sa corridor na yan. Nagtatawanan, nagkakantahan, naggagawa ng assignments, naglolocker, nagkwekwentuhan. Sabi nga ni Pao, hindi natin alam na sa mga maliliit na bagay na ginagawa natin ng sama-sama, gumagawa na pala tayo ng memories.
Noon, gustong gusto na natin grumaduate, umalis at matapos sa mga pahirap ng 4th year high school. At nung makagraduate na tayo, gustong-gusto naman natin bumalik.
Kung dati, parang wala lang satin na nakatambay tayo sa corridor na yan. Na parang "so? usual lang naman. classroom namin to e" Ngayon, hindi na yan usual. :')
Ang saya lang na after ilang months, nandito ulit kami sa corridor na to. Nagpapapicture katulad ng dati kahit na alam naming marami nang iba. Ang dating Level 10 LS 302 SY 2010-2011 ay college na ngayon. Ineenjoy ang sembreak dahil ilang araw nalang magsisimula na naman ang kalbaryo namin.
Pero alam nyo, kahit na andami nang bago, hinding hindi pa rin mawawala ang pagiging 302 namin. At sa tingin ko, ilang semester man ang lumipas, babalik at babalik pa rin kami sa corridor na to. Kasi dito sa lugar na to, dito namin naramdaman na ang pamilya, hindi nasusukat kung magkadugo ba kayo o magkamag-anak ba kayo. Ang pamilya, nasusukat sa kung sino ang umaantabay sayo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya.
At minsan, mararamdaman natin yun sating mga kaibigan. <3
Kahit na hindi tayo kumpleto, ang saya na makasama ulit kayo. :D It's good to be back in DLSL with you.
I hope to see you soon again.
♥
More photos :